ROY GAMBOA (Ang Sales Lakay ng Pangasinan)
Real Name:Roy Marcelo Gamboa
Nickname:Roy
Status:Current Housemate
Real Name:Roy Marcelo Gamboa
Origin:Pangasinan
Age:29
Birthdate:1982-01-15
Nationality:Filipino
Occupation:-
Civil Status:
Religion:Iglesia ni Cristo
Hobbies:dancing workout, videoke to the max, pasyal-pasyal
Favorite Color:green
Favorite Food:dinengdeng, pinakbet, gulay
Favorite Show:Bottomline, PGT, late night shows with interviews, cooking and singing contests
Favorite Actor:
Favorite Actress:Angelica Panganiban, Eugene Domingo
Favorite Singer:Jed Madela, Martin Nievera, Ne-Yo
OTHER INFORMATION:
“Kung hindi ko pa gagawin ngayon, kailan pa? Sayang.”
Nasa Manila si Roy nang malaman ang tungkol sa PBB auditions, pero
dinayo niya pa ang hometown niyang Pangasinan para lang sumubok. Dahil
malapit na mag-30 years old, mixed emotions man ay ayaw na niyang
palagpasin ang oportunidad na maipakita ang kakayahan niya. Gaya ng
paborito niyang X-Men, naniniwala si Roy na marami din siyang talents na
pwedeng i-share sa iba. Bukod sa pagkanta, pag-arte at pag-host, hilig
din niya ang pagluluto, kaya naman pwedeng-pwede siyang maging taga-luto
sa bahay ni Kuya. “Nakakaalis din ng stress e. Sa akin, okay lang na
mauna silang kumain basta matikman ‘yung luto ko. Masaya na ako na
panoorin silang nasasarapan sa luto ko.”
Handa na si Roy sa kahit anong iharap sa kanya ni Kuya, pwera nalang
siguro sa malalaking aso, dahil nakagat siya dati ng aso. Sa simula pa
lang, bukas ang isip niya sa mga pagsubok at posibleng pagkakampihan ng
mga housemates sa isa’t isa. “This is a competition anyway,” praktikal
na sabi ni Roy. Hindi na bago kay Roy ang pakikisama sa iba’t ibang tao.
Natural na sa kanya ang mag-motivate ng mga kasama, lalo na ‘yung mga
napanghihinaan na ng loob. “Ako ‘yung tipo ng taong pag nakita kita,
tatabihan kita, kikilalanin na kita.” Maselan siya sa pagiging maayos at
malinis, pero willing to teach naman. “Ayoko ‘yung madumi sa sarili
tsaka magulo sa bahay. Baka ako pa mag-aayos, kasi ‘pag nakita ko
na-didistract ako e. Sasabihin ko siguro, o halika, turuan kita, ganito
lang.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Post a Comment