LUZ MCCLINTON (Ang Mom of Steel ng Muntinlupa)
Real Name:Luzviminda Longabila McClinton
Nickname:Luz
Status:Current Housemate
Origin:Muntinlupa (Kalibo, Aklan)
Age:33
Birthdate:1978-05-29
Nationality:Filipino
Occupation:bodybuilder
Civil Status:
Religion:Roman Catholic
Hobbies:working out, hard training, bodybuilding, dancing
Favorite Color:lavender, black, beige
Favorite Food:prawns
Favorite Show:PBB, Nat-Geo, Biography
Favorite Actor:
Favorite Actress:Sharon Cuneta, Jennifer Lopez, Vilma Santos
Favorite Singer:Jennifer Lopez, Pussycat Dolls, Regine Velasquez
OTHER INFORMATION:
Si Luz ay minsang nangarap ng magandang kinabukasan para sa kanyang
pamilya at ngayong unti-unti nya na itong nakakamit ay nangangarap naman
na maiahon ang kabuhayan ng kanyang mga naiwang kapatid sa Aklan. Mula
sa paglalako ng goto habang nagpapadyak, pagtitindi ng sigarilyo sa
kanto hanggang sa ngayong isa na siyang professional bodybuilder, si Luz
ay patuloy na nagsusumikap para sa kinabukasan ng kanyang pamilya.
TIN PATRIMONIO (Ang Captain’s Daughter ng QC)
Real Name:Anna Christine Conwi Patrimonio
Nickname:Tin
Status:Current Housemate
Origin:Cainta, Rizal
Age:20
Birthdate:1991-12-29
Nationality:Filipino
Occupation:-
Civil Status:
Religion:Christian
Hobbies:hanging out with family and friends, watching movies, karaoke, going to the spa and beach
Favorite Color:blue, pink, red
Favorite Food:desserts, sweets
Favorite Show:Friends, Gossip Girl, Glee, Grey’s Anatomy
Favorite Actor:
Favorite Actress:Natalie Portman, Meryl Streep, Angelina Jolie
Favorite Singer:Selena Gomez, Demi Lovato, Chris Brown, Rihanna, Christian songs
OTHER INFORMATION:
Malapit sa pamilya at sa kanyang 16 na aso (may mga Chihuahua, Great
Dane, American Cocker Spaniel, Jack Russell, French Bulldog, at Whippet
siya), mahiyain sa umpisa ang Captain’s Daughter ng Cainta. Pero gaya
ng paborito niyang si Bella ng Twilight, matapos niyang maging observer,
lalabas din ang bibo niyang personalidad.
Sumali si Tin sa PBB para sa bagong experience at para maka-meet ng
iba’t ibang tao. Dahil isang seryosong athlete, homeschooled siya.
Ganunpaman, pakiramdam ni Tin, “Kahit sino naman I’ll get along with,
just not creepy ones, like those who stare all the time.” Sa simula pa
lang, suportado na ng mommy ni Tin ang pagpasok niya sa bahay ni Kuya.
Medyo nag-alangan ang daddy niya (ang basketbolistang si Alvin
Patrimonio) pero sa huli, pinayagan din siya sa kanyang desisyon kasama
ng paalala “to have no regrets and do your best”. Kung sa bagay, malaki
din ang ipinagpalit ni Tin pra sa pagkakataong maging housemate.
Sumasali siya ng competitions, at kung hindi dahil sa PBB, sa SEA Games
sana ang tuloy niya bilang tennis player!
PAMU PAMORADA (Ang Kitikiti Kid ng Batangas)
Real Name:Annielie Gerez Pamorada
Nickname:Pamu
Status:Current Housemate
Origin:Lipa, Batangas
Age:19
Birthdate:1992-01-08
Nationality:Filipino
Occupation:-
Civil Status:
Religion:Roman Catholic
Hobbies:pagtugtog at pagsayaw bago matulog, kumain at kumanta
Favorite Color:white, yellow, red, green
Favorite Food:sinigang
Favorite Show:Kristin, Tayong Dalawa, Mula sa Puso, Rosalka, Glee, Korean telenovelas
Favorite Actor:
Favorite Actress:Anne Curtis, Dimples Romana, Kaye Abad, Maricar Reyes, Jodi Sta. Maria
Favorite Singer:Chris Brown, Nicki Minaj, LeeAnn Rimes, Mary J. Blige, Sarah Geronimo
OTHER INFORMATION:
Si Pamu, isang self-proclaimed “lukring”, ay isang proud promdi mula sa
Batangas. Pangalawa sa tatlong magkakapatid, aminado si Pamu na
mami-miss nya ang kanyang buong pamilya sa kanyang pagpasok sa Bahay ni
Kuya, pati na rin ang kanyang mga kaibigan, lalo na ang kanilang
paglabas para mag-“party”. Mahilig si Pamu makinig sa R&B music,
kasama na ang mga kanta ng kanyang mga paboritong sina Chris Brown,
Nicki Minaj at Mary J. Blige. Sa katunayan, madalas syang nagpapatugtog
para siya ay makatulog.
Kampante si Pamu na madali niyang makakasundo ang kanyang mga
housemate dahil sanay siyang makisama sa lahat ng klase ng tao. “Wala
rin siyang uurungan sa mga hamon ni Kuya, maliban na lamang kung
pakakainin siya ng exotic food o ang kanyang pinaka-ayaw na gulay, ang
ampalaya. Kaya ring pakisamahan ni Pamu ang lahat ng kanyang mga
magiging housemate, “makakasundo ko yung mga ka-level ko lang,
probinsyano, bakla, foreign kahit hindi ako magaling mag-Ingles.”
KIM DE GUZMAN (Ang Stunning Sweetheart ng Olongapo)
Real Name:Kim de Guzman
Nickname:Kim
Status:Current Housemate
Origin:Olongapo
Age:19
Birthdate:1992-06-07
Nationality:Filipino
Occupation:-
Civil Status:
Religion:Roman Catholic
Hobbies:shopping, eating, playing with dogs
Favorite Color:white, black, brown
Favorite Food:sinigang, spaghetti
Favorite Show:Showtime, The Simpsons, Bio, MTV Cribs
Favorite Actor:
Favorite Actress:Anne Curtis, Angel Locsin, Amanda Seyfried
Favorite Singer:Drake,MusicSoulChild, Usher
OTHER INFORMATION:
Simple, maganda at mahinhin: si Kim ang typical girl-next-door na
aminadong hindi nya pinlano ang pagsali sa PBB bilang isang housemate.
Alam ni Kim na hindi lahat ay nabibigyan ng ganito kalaking pagkakataon
kaya agad-agad siyang nag-audition para dito.
Aminado si Kim na marami siyang mami-miss sa kanyang pagpasok sa
bahay. Una na rito ang kanyang, pamilya, sunod ang kanyang mga kaibigan,
boyfriend na kasabay niyang nag-audition, at higit sa lahat, ang
kanyang dalawang aso na sina Waffle at Toffee. Mahilig si Kim
mag-shopping at kumain sa labas kasama ang kanyang pamilya at kaibigan.
Naglalaro rin siya ng badminton, lawn tennis at bowling, maliban sa
kanyang pag-arte sa teatro.
Takot mang masilip ang lahat ng kanyang ikinikilos sa loob ng bahay,
handang haharapin ni Kim ang lahat ng mga hamong ibibigay sa kanya ni
Kuya.
JAZ MANABAT (Ang Sensual Siren ng QC)
Real Name:Jahziel Ruiz Manabat
Nickname:Jaz
Status:Current Housemate
Origin:Quezon City
Age:24
Birthdate:1987-04-09
Nationality:Filipino
Occupation:-
Civil Status:
Religion:Roman Catholic
Hobbies:watching movies, window shopping, jogging, surfing the net, chatting with friends
Favorite Color:black, orange, pink
Favorite Food:pasta, pancit, lumpia
Favorite Show:America’s Next Top Model, Pinoy Big Brother, The Buzz
Favorite Actor:
Favorite Actress:Toni Gonzaga, Kris Aquino, Alessandra de Rossi
Favorite Singer:Katy Perry, Freestyle
OTHER INFORMATION:
Kung naging cartoon character siguro si Jaz, sakto sa kanya ang
paboritong si Betty Boop. Nagmomodel siya para sa isang popular na
magasin. Mukha siyang party girl, pero sa totoo lang, mas gusto niyang
mag-DVD marathon kasama ang boyfriend niya at ang baby Shih-Tzu niyang
si Kendra. She’s in for the long run, kaya naman talagang proud din siya
sa limang taon nilang relasyon ng current boyfriend niya
Gaya ng pagtanggap niya ng pagkakataong maging housemate, hinahanda
na niya ang sarili sa mga sorpresa ni Kuya. Paniniwala niya, “Game na sa
lahat! Andun na e, sa tagal ng process, uurong pa ba ‘ko? Pero depende,
hindi ko rin masasabi. Basta sa ngayon, sige, go.” Sa mga gawaing
bahay, good girl si Jaz. “Lahat dapat gawin! Dapat sumunod sa sasabihin
ni Kuya.” Sexy at pala-ngiti ang Sensual Siren ng QC, pero hindi lang
ganda ang dala ni Jaz sa loob ng bahay. Sa simula, “observer” and role
niya at makikiramdam muna siya sa mga kasama. Aminado siyang mabilis
siyang ma-bore at may panahong moody siya, pero sa tingin naman niya ay
kaya niyang pakisamahan ang lahat ng tao. Kahit hindi niya feel ang mga
maaarte, “Deadma na lang, siyempre sa’kin nalang ‘yun, ayoko naman ng
kaaway”.
DIVINE MAITHLAND-SMITH (Ang Darling Dude ng Cebu)
Real Name: Divine Muego Maitland-Smith
Nickname: Divine
Status:Current Housemate
Origin:Cebu City
Age:20
Birthdate:1991-03-09
Nationality:Filipino-British
Occupation:-
Civil Status:
Religion:atheist; believes in a higher power
Hobbies:going to the gym, hanging out with friends, drawing
Favorite Color:purple
Favorite Food:beef steak
Favorite Show:Modern Family, Hell’s Kitchen
Favorite Actor:
Favorite Actress:Angelina Jolie
Favorite Singer:Usher
OTHER INFORMATION:
Sa unang tingin pa lang, sakto ang tawag na Darling Dude kay D.
Pinanganak sa Cebu pero may lahing British, magaling mag-Bisaya pero
hirap sa Filipino, mala-anghel pero malakas ang dating.Ka-partner ng
maamo niyang mukha ang 12 tattoo niya sa katawan. Bukod sa pagiging individual art, sinisimbolo ng bawat isa ang mga mahahalagang bahagi ng buhay niya.
“I just want to have fun,” dahilan ni D sa pagpasok sa PBB. Sa
kabilang banda, habol niya rin ang life lessons na matututunan niya sa
bahay. Sanay siya sa lahat ng gawaing bahay, pero takot siya sa lahat ng
insekto. Madalas siyang pakantahin ng mga kanta ni Justin Bieber, pero
ayaw naman niya si Justin Bieber. Hindi man mukhang magkatugma ang mga
bagay-bagay sa kanya, for some reason, D makes it work.
Bukod sa mommy at ate niya na role model niya, mami-miss din ni D ang
girlfriend niya of 6 months. Ganunpaman, excited si D sa mga haharapin
bilang housemate. Sa mga dating housemates, gusto niya si Paul Jake
dahil “he’s down to earth and very real. I learned a lot from him, I
guess.” Pala-ngiti, open-minded at understanding, wala siyang
nakikitang magiging isyu sa mga kasama. “I like people who express
themselves, but I also like people who are hard to open up. I think
they’re interesting. I like everyone. I don’t really like angry people,
then again, they’re angry for a reason. So I’ll understand them more.”
SLATER YOUNG (Ang Hotshot Engineer ng Cebu)
Real Name: Jan Slater Young
Nickname: Slater
Status:Current Housemate
Origin:Cebu City
Age:24
Birthdate:1987-12-19
Nationality:Filipino
Occupation:civil engineer
Civil Status:
Religion:Roman Catholic
Hobbies:board games, hanging out, going to the gym, competitive shooting
Favorite Color:white, blue, purple
Favorite Food:steak
Favorite Show:Family Guy, HIMYM, Community
Favorite Actor:
Favorite Actress:Angelina Jolie, Charlize Theron, Bea Alonzo
Favorite Singer:Jack Black, U2, bamboo, Wolfgang, The Script, Train, Tenacious D
OTHER INFORMATION:
Isang competitive shooter at varsity table tennis player, si Slater ay umaasang makahanap ng panibagong adventure sa kanyang pagpasok sa Bahay ni Kuya. “I work for my dad. I’m an engineer,”
proud na banggit ni Slater. Panganay sa apat na magkakapatid, umaasa
si Slater na magamit ang kanyang pagiging kuya sa pamumuno sa mga
housemates. “I usually get along with everyone. Hopefully I get along
well with them.” Sariwa pa sa pakikipaghiwalay sa kanyang girlfriend
tatlong buwan na ang nakalipas, hindi man inaasahan ay bukas si Slater
makahanap ng bagong pag-ibig sa isa sa kanyang mga housemates.
Excited si Slater magkaroon ng pagkakataong masubukan ang iba’t ibang
bagay sa loob ng bahay. “I expect to go crazy. I joined for an
adventure. I want something new, to break the routine.”
SEICHANG USHIMI (Ang Pinoy Anime ng Japan)
Real Name:Seiichi Ushimi
Nickname:Seichang
Status:Current Housemate
Origin:Tokyo, Japan
Age:22
Birthdate:1989-03-16
Nationality:Filipino-Japanese
Occupation:-
Civil Status:
Religion:-
Hobbies:reading books
Favorite Color:pink, purple, wine red… basta cute
Favorite Food:kare-kare, adobo, barbecue
Favorite Show:Dragonball Z, Pinoy Big Brother, ASAP
Favorite Actor:
Favorite Actress:Sarah Geronimo, Penelope Cruz
Favorite Singer:SMAP band
OTHER INFORMATION:
Laking-Japan si Seichang, pero dahil taga-Davao ang ina niya, madalas
din siyang umuwi sa Pilipinas. At home naman talaga siya dito dahil para
sa kanya, mababait ang mga Pinoy. Unang dahilan ng pagpunta niya sa
audition? Akala niya makikita niya si Sarah Geronimo! Sa dating
housemates, pinaka-naaalala niya si Cathy ng PBB Double Up. Pagpasok sa
bahay ni Kuya, game lang si Seichang sa kahit ano. “Basta experience,
good opportunity for the future.”
Takot sa ipis si Seichang, kaya importante sa kanyang maging malinis
sa bahay at hindi niya uurungan ang anumang gawaing-bahay. Kaya niya
din magluto ng hamburger at yakisoba! May konti siyang alam na mga
salita, pero nangangapa pa si Sei Chang sa pagsasalita at pag-intindi ng
Filipino at English. Ang strategy niya: “Always smile and chika chika!”
Hindi man niya makuha sa kwentuhan, may back-up plan ng Pinoy Anime ng
Japan: Sign language at acting!
ROY GAMBOA (Ang Sales Lakay ng Pangasinan)
Real Name:Roy Marcelo Gamboa
Nickname:Roy
Status:Current Housemate
Real Name:Roy Marcelo Gamboa
Origin:Pangasinan
Age:29
Birthdate:1982-01-15
Nationality:Filipino
Occupation:-
Civil Status:
Religion:Iglesia ni Cristo
Hobbies:dancing workout, videoke to the max, pasyal-pasyal
Favorite Color:green
Favorite Food:dinengdeng, pinakbet, gulay
Favorite Show:Bottomline, PGT, late night shows with interviews, cooking and singing contests
Favorite Actor:
Favorite Actress:Angelica Panganiban, Eugene Domingo
Favorite Singer:Jed Madela, Martin Nievera, Ne-Yo
OTHER INFORMATION:
“Kung hindi ko pa gagawin ngayon, kailan pa? Sayang.”
Nasa Manila si Roy nang malaman ang tungkol sa PBB auditions, pero
dinayo niya pa ang hometown niyang Pangasinan para lang sumubok. Dahil
malapit na mag-30 years old, mixed emotions man ay ayaw na niyang
palagpasin ang oportunidad na maipakita ang kakayahan niya. Gaya ng
paborito niyang X-Men, naniniwala si Roy na marami din siyang talents na
pwedeng i-share sa iba. Bukod sa pagkanta, pag-arte at pag-host, hilig
din niya ang pagluluto, kaya naman pwedeng-pwede siyang maging taga-luto
sa bahay ni Kuya. “Nakakaalis din ng stress e. Sa akin, okay lang na
mauna silang kumain basta matikman ‘yung luto ko. Masaya na ako na
panoorin silang nasasarapan sa luto ko.”
Handa na si Roy sa kahit anong iharap sa kanya ni Kuya, pwera nalang
siguro sa malalaking aso, dahil nakagat siya dati ng aso. Sa simula pa
lang, bukas ang isip niya sa mga pagsubok at posibleng pagkakampihan ng
mga housemates sa isa’t isa. “This is a competition anyway,” praktikal
na sabi ni Roy. Hindi na bago kay Roy ang pakikisama sa iba’t ibang tao.
Natural na sa kanya ang mag-motivate ng mga kasama, lalo na ‘yung mga
napanghihinaan na ng loob. “Ako ‘yung tipo ng taong pag nakita kita,
tatabihan kita, kikilalanin na kita.” Maselan siya sa pagiging maayos at
malinis, pero willing to teach naman. “Ayoko ‘yung madumi sa sarili
tsaka magulo sa bahay. Baka ako pa mag-aayos, kasi ‘pag nakita ko
na-didistract ako e. Sasabihin ko siguro, o halika, turuan kita, ganito
lang.”
KEVIN FOWLER (Ang Dreamboy ng California)
Real Name:Kevin Andrew Fowler
Nickname:Kevin
Status:Current Housemate
Origin:California, USA
Age:18
Birthdate:1993-09-23
Nationality:75% Filipino, 25% American
Occupation:-
Civil Status:
Religion:Christian
Hobbies:working out, playing the guitar, dancing, hanging out with friends
Favorite Color:blue, red, silver
Favorite Food:pancit, sinigang
Favorite Show:American Dad, Scrubs, Parks and Recreation
Favorite Actor:
Favorite Actress:Anne Curtis, Angelina Jolie, Scarlett Johansson, Emma Stone
Favorite Singer:Drake, Michael Jackson, Atreyu, Black Tide, Bobby Ray, Avenged Sevenfold
OTHER INFORMATION:
Lumaki man sa Amerika, bukas si Kevin na mamalagi sa Pilipinas nang
matagalan. Pangalawa sa tatlong magkakapatid, malapit siya sa pamilya
niya at mga kaibigan. Nasa Amerika ang pamilya niya, pero may mga
kamag-anak siyang kasama dito.
Sa pagpasok sa bahay ni Kuya, dala ng Dreamboy ng California ang
positive attitude niya. Sa mga pakulo ni Kuya, ang sagot ni Kevin: “I’m
ready to be surprised. It’ll be fun. ” Dahil pinalaking independent,
sanay din siya sa mga gawaing bahay. “I clean all the time!” Mahiyain
siya sa simula at ilag sa mga taong mayabang at walang galang. Pero
mabilis naman siyang mag-adjust sa mga kasama. “I like to make people
laugh, set a good mood.”
PACO EVANGELISTA (Ang Hopeless Romantic ng Gensan)
Real Name: Philip Joel Lape Evangelista
Nickname: Paco
Status:Current Housemate
Origin:General Santos City
Age:26
Birthdate:1985-07-28
Nationality:Filipino
Occupation:-
Civil Status:
Religion:Roman Catholic
Hobbies:photography, film making
Favorite Color:green, blue, red, white
Favorite Food:pasta
Favorite Show:So You Think You Can Dance, Cedie Ang Munting Prinsipe, HIMYM, Boston Legal
Favorite Actor:
Favorite Actress:Natalie Portman, Meryl Streep, Cristine Reyes, Alessandra de Rossi, Eugene Domingo
Favorite Singer:Sting, Parokya ni Edgar, Eraserheads, Wolfgang, Jon Mayer, Urbandub
OTHER INFORMATION:
“I want to find myself.”
‘Yan ang priority ni Paco sa pagpasok ng bahay ni Kuya. Napansin niya
kasi na lahat ng pumasok sa PBB, may sinasabing pagbabago sa sarili at
sa buhay. A man of many interests, marami siyang sinubukan at inaral na
mga bagay. Kapag naaliw siya sa isang bagay, gaya nalang ng pagluluto at
pagsasayaw, maghahanap siya ng video sa YouTube at aaralin ito. “I
tried to learn the dougie once.
It was fun! I also tried DJ-ing, but I never had the equipment for it so
I just know it in theory.” Mahilig siya sa pag-perform, kaya naman may
experience din siya sa theater at ballet, pati na din paggaya ng iba’t
ibang accents.
Buo ang loob ni Paco na madali siyang makaka-adjust sa mga ibang housemates. “Sa tingin ko, sa training
ko, I can communicate well. Marunong din naman akong makinig. I can
make people laugh. I think I’d get along well with smart people, someone
who I can learn from. Also those with a background
in the arts. If they’re pretty, I’d love to get along with them!”
Aminado siyang weakness niya ang pagiging prangka sa pagsasalita at
dapat niyang ingatan na hindi maging presko sa pakikipag-usap sa mga
kasama. Nakikita niya ang sarili bilang entertainer,
leader, o communicator ng grupo. Kung hindi man, ok din namang house
cook ang role niya, featuring his specialty: beef stroganoff!
JOSEPH BIGGEL (Ang Promdihirang Tisoy ng Marinduque)
Real Name: Joseph Emil S. Biggel
Nickname: Biggel
Status:Current Housemate
Origin:Marinduque
Age:19
Birthdate:1992-07-27
Nationality:Filipino-German
Occupation:-
Civil Status:
Religion:Roman Catholic
Hobbies:basketball, singing R&B and rap
Favorite Color:white, black
Favorite Food:saging na saba
Favorite Show:Showtime, Minsan Lang Kita Iibigin
Favorite Actor:
Favorite Actress:Cristine Reyes
Favorite Singer:Akon, Parokya ni Edgar
OTHER INFORMATION:
Tisoy man sa paningin, Pinoy na Pinoy pa rin. Lumaki sa piling ng
kanyang lolo at lola sa Marinduque, ang half-German na si Biggel ay
natutong pasukin ang iba’t ibang klase ng trabaho
para tulungang mapag-aral ang nag-iisang kapatid na kanyang kasama
matapos silang iwan ng kanilang ina upang mangibang-bansa. Natuto syang
mangisda, magsaka at minsan ri’y pinasok ang pagiging make-up artist sa punerarya. Idolo ni Biggel si Coco Martin. “Ang galing nyang umarte!,” sabi nya.
Malayo man sa mala-rakista nyang porma na dala ng kanyang matulis na
mohawk, ang matapang na si Biggel ay may malambot na pusong handa ring
tumulong sa oras na kailanganin ng kanyang mga magiging housemates.
“Sigurado po yun (na makakasundo sila)! Palakaibigan po ako ‘eh!,” diin
ni Biggel.
KIGOY ABARICO (Ang Bay Diskarte ng Ormoc)
Real Name: Marnill S. Abarico
Nickname: Kigoy
Status:Current Housemate
Origin:Ormoc, Leyte
Age:32
Birthdate:1979-10-19
Nationality:Filipino
Occupation:-
Civil Status:
Religion:Roman Catholic
Hobbies:playing guitar, drinking with friends, talking about life
Favorite Color:sky blue, white, black
Favorite Food:fried chicken
Favorite Show:Dragon Ball Z, TV Patrol, MMK, ASAP
Favorite Actor:
Favorite Actress:Maja Salvador, Kirsten Dunst, Jennifer Connelly
Favorite Singer:Rod Stewart, Siakol, Yano, Wolfgang
OTHER INFORMATION:
Sanay sa hirap ng buhay, si Kigoy ay lumaking mulat sa iba’t ibang hamon
ng magulong mundong kanyang kinalakihan. Marami mang beses na sya ay
naligaw ng landas, si Kigoy ay patuloy na hinanap ang tamang daan tungo
sa kanyang tunay na pagbabago. Sumali si Kigoy sa PBB upang mahanap ang
dalawa pa nyang nawalay na kapatid . Siya ay kabilang sa anim na
magkakapatid sa iisang ina, ngunit iba-ibang ama. Ang gusto lamang nya
ay dumating ang araw na mabuo ang kanyang pamilya
Naturingan mang pusong bato, si Kigoy ay minsan ring umibig. Patunay
dito ang tattoo ng pangalan ng nag-iisang babaeng kanyang minahal.
Marami man siyang babaeng pina-ibig sa kanyang mala-Binoe na kilos,
tanging ang babaeng ito ang nakapagpalambot sa kinilalang siga ng Ormoc.
“Gusto kong magbagong-buhay,” mithi ni Kigoy. Sa kanyang pagpasok sa
PBB, ito, maliban sa paghanap sa kanyang mga kapatid ang tangi nya
lamang nais. “Dati, seryoso ako medaling mapikon. Pero ngayon gusto kong
magpasaya.”